^

Police Metro

Hamon ng ex-AFP General sa liderato ng MILF: Nagmasaker sa 44 SAF, isuko!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni ret. Lt. Gen. Edilberto Adan, pangulo ng Association of General and Flag Officers Inc. (AGFO) sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isuko ang mga mi­yembro nito na nasa likod ng karumaldumal na pagpatay at paglapastangan sa bangkay ng ilan sa nasawing 44 PNP-Special Action Force (PNP-SAF) sa umano’y engkuwentro sa Mamasapano, Maguin­danao.

“The government should demand the return of all firearms stolen from the dead policemen and for the MILF leadership to surrender the perpetrators within their ranks,” pahayag ni Adan na da­ting Brigade Comman­der sa Mindanao noong panahon ng all-out-war ng tropa ng AFP laban sa MILF rebels  noong 2000 sa panahon ni da­ting pa­ngulo na ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.

Magugunita na ipinoste at kumalat sa facebook ang bangkay ng ilan sa mga nasawing PNP-SAF na nilapasta­ngan ang ilang mga bangkay nang pagtatagain ang mga katawan, pagpugot ng ulo, paa at pinaghuhubaran rin ng uniporme at pagnakaw sa mga personal na kagamitan tulad ng cellphone at mga baril.

Naniniwala ang opis­yal base sa mga kumalat na video footage na hindi lamang basta engkuwentro ang nangyari kundi minasaker ang PNP-SAF men na nagsagawa ng operasyon upang hulihin ang wanted na si Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.

Si Marwan, isang Malaysian ay may patong sa ulong $5M habang si Usman ay isa namang lider ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na kaalyado at sinanay ng JI sa terorismo.

Sa nasabing madugong bakbakan noong Enero 25 ay 44 PNP-SAF ang napaslang, 12 ang nasu­gatan habang anim naman ang nasawi sa panig ng MILF rebels.

Sinabi ni Adan na hindi sapat ang basta imbestigasyon, mahalaga ay isuko ng MILF sa batas ang nasa likod ng pagmasaker  sa mga tauhan nito bilang pagpapakita ng sinsero ang separatistang grupo sa isinusulong na kapayapaan ng pamahalaan.

Tinuligsa din ni Adan ang aniya’y kawalan ng kontrol ng MILF sa mga tauhan nito sa pana­nabotahe sa prosesong pangkapayapaan na sinasabotahe ng faction ng naturang grupo.

Ang AGFO na itinatag may 50 taon na ang nakakalipas ay may 800 miyembro na binubuo ng mga retirado at aktibong heneral at flag rank officers mula sa AFP, PNP, Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ADAN

ASSOCIATION OF GENERAL AND FLAG OFFICERS INC

BASIT USMAN

BRIGADE COMMAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with