^

Police Metro

Erap: MILF kunin sa santong paspasan kapag di nakuha sa dasal!

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – “Hindi mapagkakatiwalaan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF)”.

Ito ang matapang na pahayag ni dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada dahil sa naganap na pagpatay ng MILF at BIFF sa 44 miyembro ng SAF sa tinaguriang “Mamasapano massacre”.

Sinabi ni Estrada hindi maaaring sabihin ng MILF na  isolated case ang insidente sa pagitan ng mga SAF at MILF-BIFF sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao dahil sa makakaapekto ito sa isinasagawang  peace talks.

Anya, ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng   posibleng solusyon, subalit patuloy pa rin sa kanilang  marahas na hakbang ang  MILF at marami nang buhay ang  nawala sa  patuloy na  umano’y panloloko ng  MILF  sa pamahalaan.

Ayaw nitong magbigay  ng  payo kay Pangulong Noynoy Aquino at dapat din umano nitong isipin at pag-aralan ang  sitwasyon.

Kaya’t hiniling nito  sa publiko na ipagdasal si Pangulong Aquino na  magkaroon ng   tamang desisyon upang  ma-neutralized ang MILF at hindi na dapat pang  hintayin na may buhay pang  masasakripisyo.

Masyado umanong pinaiikot ng  MILF ang pamahalaan  sa kanilang  kagustuhan na sila ang  dapat na masunod at hindi ang pamahalaan ang magpapasunod sa kanila.

Idinagdag pa ni Estrada na  kung hindi  makuha sa santong dasalan ay kunin sa santong paspasan ang MILF.

vuukle comment

ANYA

AYAW

MAMASAPANO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with