^

Police Metro

P1.5-M natangay sa dating konsehal

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P1.5 milyon ang natangay sa isang dating konsehal ng bayan ng Bulacan ng “Budol-budol gang” na gagamitin nito sana para  makikipagpustahan sa larong baccarat sa Manila Hotel, kamakalawa ng  gabi.

Ayon sa biktimang si  Samuel Espanola, 54, dating konsehal ng San Jose Del Monte, Bulacan, isang nakipagkaibigang Christine Cruz, tinata­yang nasa 40-45 anyos ang nakipagtransaksyon sa kaniya na makiki­paglaro ng baccarat at isang  kasamahang balasador diumano sa Hyatt Hotel  na hindi nakuha ang pangalan at isang driver.

Sinabi ni Espanola na may dala-dala siyang isang kahon na naglalaman ng P1.5 M para sa kanilang pagsusugal sa Hyatt at bago sila magtungo sa Hyatt Hotel ay pumunta muna sila sa Manila Hotel at doon ipinalagak niya sa grupo ni Cruz ang salapi.

Napagplanuhan nila na uubusin lamang ang salapi sa mayamang makakalaban nila sa baccarat sa pamamagitan ng pagsasabwatan dahil kanila ang balasador.

Habang nakalagak ang pera sa Manila Hotel nagtungo ang biktima sa Hyatt upang iberipika kung konektado at empleyado ang mga suspek at doon niya natuklasan na hindi totoong kawani ang mga ito ng hotel.

Dali-dali bumalik sa Manila Hotel ang biktima at dahil  wala ang susi ay pinadistrungka  ang safety box na kung saan ang natira na lamang ay P20,000.  

vuukle comment

BULACAN

CHRISTINE CRUZ

HOTEL

HYATT

HYATT HOTEL

MANILA HOTEL

SAMUEL ESPANOLA

SAN JOSE DEL MONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with