^

Police Metro

Electrician tinodas habang naghahapunan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagmistulang huling hapunan na ng isang 42-an­yos na electrician  ang pagkain nito  kamakalawa ng gabi nang malapitang barilin ng hindi pa kilalang suspek sa kaniyang barung-barong sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Feliciano Allita, may live-in partner, ng no. 208 Matiisin St., Tondo.

Batay sa ulat, alas-6:00 ng gabi ay naghahapunan ang biktima sa gilid ng kanyang barung-barong na matatagpuan sa kanto ng Road 10 at Matiisin St. nang puntahan ng suspek at walang kaabog-abog na binaril.

Nang bumulagta ay muli pa itong binaril ng suspek at nang matiyak na napuruhan ay tumakas na ito.

Isinugod naman ang biktima ng mga kaanak sa ospital, subalit namatay ito habang ginagamot.

vuukle comment

BATAY

FELICIANO ALLITA

ISINUGOD

KINILALA

MATIISIN ST.

MAYNILA

NAGMISTULANG

NANG

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with