^

Police Metro

Babae binaril sa ulo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa loob ng bahay ng amo binaril at napatay ang isang 23-anyos na kasambahay ng  isa sa riding in tandem kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Monica Ugay, 23, dalaga at stay-in sa bahay ng amo na matatagpuan sa no. 30 Ermin Garcia St., Brgy. Pinagkaisahan sa lungsod.

Ang gunman ay inilarawan ng testigo na nakasuot ng t-shirt na kulay puti, at pantalon, katamtaman ang katawan, maitim ang balat, nakasuot ng shades at may taas na 5’5

Habang ang rider ng motorsiklo na for re­gistration ang plaka ay nakasuot ng helmet, puting t-shirt at kulay cream na short pants, katamtaman ang katawan, maitim ang balat, at may taas na 5’3-5’4.
Batay sa ulat, bago nangyari ang pagbaril dakong alas-10:00 ng umaga ay nakita ng isang delivery boy ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at huminto sa bahay ng biktima.
Bumaba ang backrider at nagbunot ng baril saka sumilip sa loob ng bahay at binaril ang biktima sa ulo.

Malaki ang hinala ng pulisya na balak pasukin ng mga suspek ang bahay.

vuukle comment

BATAY

BRGY

BUMABA

ERMIN GARCIA ST.

HABANG

MALAKI

MONICA UGAY

PINAGKAISAHAN

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with