^

Police Metro

Mga pulis magbubusal ng baril ngayon

Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inilagay na sa full alert status ngayong umaga ang  nasa 18,000 miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang palakasin ang seguridad sa paghahanda sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay NCRPO chief Director Carmelo Valmoria na kanya nang inatasan ang limang district directors at 38 station commanders na busalan ng tape ang lahat ng kanilang mga baril ngayong araw.

Ang pagbusal ng tape sa dulo ng mga baril ng pulis ay upang maiwasan ang mga ito na masangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.

Nabatid na ang NCRPO ay isa sa ahensiya na inatasan ng Department of Health na gawin ang programang “Mahalaga ang Buhay, Iwasan ang Paputok”  upang sa ganun ay mabawasan ang bilang ng mga nasusugatan at nasasawi sa pagsalubong ng nasabing dalawang okasyon.

Binalaan din si Phi­lippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Deputy Director General Leonardo Espina na sisibakin sa serbisyo ang mga pulis na masasangkot sa pagpapaputok ng kanilang mga baril.

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

BINALAAN

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

DIRECTOR CARMELO VALMORIA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NATIONAL POLICE

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with