^

Police Metro

Lider ng UV Express hold-up gang, tiklo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang lalaki na umano ay lider ng UV Express hold-up gang na nanghoholdap sa mga pasahero sa Pasig City kahapon ng umaga.

Ang suspek ay kinilalang si Crisanto  Maguddatu, nasa hustong gulang at walang tiyak na tirahan na naaresto sa hideout nito sa Felisa St. kanto ng Fatima Avenue, Serrano Subdivision, sa Barangay Marulas, Valenzuela City.

Batay sa ulat, dakong alas-10:45 ng umaga nang maaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Pasig RTC at  Manila RTC dahil sa kasong robbery.

Nagsagawa ang Pasig City Police Intelligence Unit ng surveillance sa naturang lugar matapos na makatanggap ng ulat na lumipat na ng hideout ang suspek mula sa Sampaloc, Maynila, patungong Valenzuela City.

Nang makumpirma ang ulat ay kaagad na sinalakay ng mga otoridad ang pinagtataguan ng suspek na hindi na nakapalag nang makitang napapaligiran na siya ng mga otoridad.

Si Maguddatu ay kabilang sa top most wantedcriminals sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na sinasabing lider ng notoryosong grupo ng mga holdaper na bumibiktima sa mga pasahero ng UV Express at FX taxi.

vuukle comment

BARANGAY MARULAS

BATAY

FATIMA AVENUE

FELISA ST.

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE INTELLIGENCE UNIT

SERRANO SUBDIVISION

SI MAGUDDATU

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with