^

Police Metro

QC shootout: 3 holdaper todas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang tatlong kalalakihan na umano’y holdaper nang makipagbarilan sa mga otoridad kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Inilarawan ang tatlong napatay na suspek na ang isa ay nasa pagitan ng edad na 40-45, may taas na 4’11”, at moreno; habang ang isa ay nasa pagitan ng edad na 25-30, nakasuot ng pulang t-shirt na may marking Caregiver Need Care Too, naka jersey shorts at ball cap na adidas, may taas na 5’7”, katamtaman ang katawan, at may tattoo na imahe ng isang Araw at imahe ng Krus at ang ikatlo ay nasa pagitan ng edad na 50-55, nakasuot ng kulay grey na t-shirt, itim at kulay gray na cargo pants, may taas na 5’4”, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo na Commando, Bong Mandaragit, Boy Palos, William, Cammy,  Jessmac at Agoho.

Bago nangyari ang shootout dakong ala-1:15 ng madaling araw sa kahabaan ng Mindanao Avenue Extension, Brgy. Greater Lagro ay humingi ng tulong sa otoridad ang taxi driver na si Romeo Sualog, 52,  ng Lacuna St., Brgy. Bangkal Makati City na hinoldap ng tatlong suspek.

Ayon kay Sualog pinapasada niya ang Arnaiz taxi na Toyota Corola (TYD-554) nang parahin siya ng tatlong suspek sa kahabaan ng Quezon A­venue kanto ng Roose­velt Avenue, Quezon City.

Habang tinatahak ng taxi ang patungong Quiapo, nang magdeklara ng holdap ang mga suspek at nilimas ang kita ng biktima na nagkakahalaga ng P1,700, kabilang ang cellphone (P900,00).

Pinababa ng mga suspek ang biktima pagsapit sa Dapitan St., kanto ng Banawe St., La Loma at kinomander ang sasakyan.

Nagpasya si Sualog na dumulog na lang sa QCPD-Police Station 1 na agad inalarma ang taxi na na-monitor ng tropa ng District Special Operation Unit (DSOU) na nagpapatrulya sa harap ng Fairview Center Mall.

Naispatan ng tropa ng DSOU ang taxi na dumaan, kaya’t sinundan at pagsapit sa kahabaan ng Mindanao Avenue ay napuna ng mga suspek ang mga pulis hanggang sa paputukan na nauwi sa engkwentro na kung saan ay napatay ang tatlong suspek.

 

vuukle comment

BANAWE ST.

BANGKAL MAKATI CITY

BONG MANDARAGIT

BOY PALOS

BRGY

CAREGIVER NEED CARE TOO

DAPITAN ST.

DISTRICT SPECIAL OPERATION UNIT

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with