^

Police Metro

Lover ni misis, dedo kay mister

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ng isang mister ang umano’y kalaguyo ng kanyang misis nang naabutan na nag-iinuman kahapon ng madaling-araw sa isang karinderya sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Lorenzo Arellano, 50, ng Blk. 126, Lot 26, Phase 4, ng nasabing barangay.

Nadakip sa isinagagawang follow-up operation ang suspek na si Julian Gagarin, 51, may-asawa, security guard, residente ng Blk. 15, Lot 7, Phase 3 ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas 12:30 ng madaling araw ay nag-iinuman ang biktima at ang misis ng suspek na si Elsie Gagarin sa loob ng Lhynn’s Carinderia nang dumating ang suspek.

Nagulat ang dalawa kung kaya’t kinompronta ng suspek ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang una at pinagbabaril ang huli.

Bago ang krimen ay pinagbantaan na ng suspek ang biktima na itigil na nito ang pakikipagrelasyon sa kanyang misis.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

CARINDERIA

CAVITE

DASMARI

ELSIE GAGARIN

JULIAN GAGARIN

LHYNN

LORENZO ARELLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with