^

Police Metro

2 kriminal dedo sa barilan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki na umano ay miyembro ng sindikatong kriminal ang nasawi nang makipagbarilan sa mga otoridad kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Isa sa dalawang napatay na suspek ay kinila­lang si Mandy Solaiman Abubakar, nasa hustong gulang, ng Samata Village, Barangay 5 ng naturang  lungsod.

Sa ulat, bago nangyari ang barilan dakong alas-6:00 ng umaga sa Samata Village, Barangay Talon 5 ng naturang lungsod ay sinalakay ng operatiba ng Intelligence Unit, Tactical Motorize Reaction Unit at SWAT Team Unit ng Las Piñas City Police upang isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng Las Piñas City Regional Trial Court dahil sa umano’y patung-patong na kasong kinakaharap nito.

Nang mamataan ni Abubakar,  kasama   ang kasabwat ay pinaputukan nila ang mga pulis na gumanti kaya’t nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa duguang bumulagta ang mga suspek.

Nasamsam mula sa mga nasawing suspek ang humigit kumulang sa isang kilong pinaniniwalaang shabu, 2 pirasong kalibre .45 baril, 1 pirasong kalibre .38 revolver, 1 kalibre .22,  dalawang kalibre .9mm (pistol at beretta), 1 improvised shot gun (sumpak), daan-daang mga bala, assorted drug paraphernalias at limang digital weighing scale.

Ang mga nasawing suspek ay pinaniniwalaang kilabot na mi­yembro  ng isang drug at gun for hire syndicate na nagsasagawa ng illegal na operasyon sa ilang lugar sa Southern Metro Manila.

vuukle comment

BARANGAY TALON

CITY POLICE

CITY REGIONAL TRIAL COURT

INTELLIGENCE UNIT

LAS PI

MANDY SOLAIMAN ABUBAKAR

SAMATA VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with