^

Police Metro

5 nasugatan... 2 tinedyer utas sa kagawad

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang menor-de-edad na babae habang lima na iba pa ang nasugatan nang mamaril sa isang piyesta ang isang barangay kagawad sa kanyang kaalitan kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Libacao, Aklan.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Antolina Ricablanca,16; at Sarah Kaye Viray, 14 na pawang nagtamo ng mga tama ng bala ng shotgun sa ulo.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Gilda Nalangan, 37; Clerey Javier, 18;  Jay-R Agudez, 21; Ariel Idala, 17; at Kaycee Sapatos, 14. Habang ang suspek na tumakas ay kinilalang si Brgy. Kagawad  Jonathan Felix.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril ay masayang naglalaro sa peryahan ang mga biktima nang komprontahin ni Felix si Agudez kaugnay ng alitan ng kanilang mga pamilya at pagnanakaw ng alagang kalabaw.

Habang nagtatalo ay bigla na lamang pinaputukan ni Felix si Agudez na tinamaan sa katawan at pagkatapos ay muli itong nagpaputok kung kaya’t nadamay ang mga nasabing biktima.

vuukle comment

AGUDEZ

ANTOLINA RICABLANCA

ARIEL IDALA

BRGY

CLEREY JAVIER

GILDA NALANGAN

HABANG

JAY-R AGUDEZ

JONATHAN FELIX

KAYCEE SAPATOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with