^

Police Metro

Sa pagtawag na siya ay magnanakaw... Binay kakasuhan ang accusers

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kakasuhan ni Vice President Jejomar Binay ang mga nag-aakusa sa kanya na isang magnanakaw.

Ito’y kasunod ng mga alegasyon ng katiwaliang ipinupukol sa kanya at sa kanyang pamilya kabilang na ang pagkuha umano ng condominium units kapalit ng pagbibigay ng pabor sa developer.

Ayon kay Binay, ina­ayos na ang lahat upang sampahan ng kaso ang mga taong nagpaparatang na isa siyang korap at may mga tagong yaman.

“Maghahabla ako diyan. Hindi ko tatanggapin ‘yan. Lagi na lamang...tinatawag akong magnanakaw,” ani Binay.

Magugunita na pinaratangan ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado at mga kasamahan nito si Binay sa isinagawang pagdinig ng Senado na nagkamal ng malaking kickback sa umano’y overpriced na pagpapatayo ng Makati City Hall Building 2 at ang sinasabing tagong ari-arian na 350 hektar­yang “Hacienda Binay” sa Rosario, Batangas.

Bukod pa sa huling alegasyon ni Mercado sa Senado na nagmamay-ari si Binay at kanyang pamil­ya ng mga condominium units sa Makati na agad na pinabulaanan ng mga condo owners.

Hinamon pa ng kampo ni Binay ang Senado na si Mercado ang imbes­tigahan dahil siya ang umano’y totoong may itinatagong mga yaman o ari-arian.

Sa kabila nito, sinabi ni Binay na tuloy pa rin ang kanyang pagtakbo sa presidential elections sa 2016.

Binigyang-diin din ni Binay na ang kanyang ginagawang pag-iikot at pagtulong sa mga kababayang nanga­ngailangan sa iba’t ibat panig ng bansa ay hindi maagang  pangangampanya.

Ito ay matapos na ihayag ng isang top official ng Liberal Party na early campaigning ang ginagawa ng Bise Presidente.

vuukle comment

BINAY

BISE PRESIDENTE

HACIENDA BINAY

LIBERAL PARTY

MAKATI CITY HALL BUILDING

MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with