^

Police Metro

Kelot isinilid sa kahon

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuan sa loob ng  isang kahon ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng “summary execution” sa gilid ng kalsada sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan na nasa pagitan ng edad 40-50 anyos, nakasuot ng itim na short pants, dilaw na sando, at may tattoo na “Commando” sa likod.

Sa ulat, alas-4:20 ng madaling araw nang matagpuan ng mga residente ang duguang kahon sa gilid ng Guava Road,  sa Brgy. Potrero, ng naturang lungsod. 

Nang respondehan ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakita ang biktima na nakagapos, balot ng masking tape ang buong ulo at may tama ng bala ng baril sa ulo sanhi ng kamatayan nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang umaasa na may lalantad upang kilalanin ang bangkay.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

GUAVA ROAD

MALABON CITY

NANG

NATAGPUAN

PATULOY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with