^

Police Metro

Agnas na bangkay ng call center agent natagpuan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung hindi pa nangamoy ay hindi matatagpuan ang naagnas na bangkay ng isang call center agent sa loob ng  inuupahang kuwarto sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima na si  Harry Gill Orilloza, 36,  ng room 29267 B. Banahaw St, San Martin de Porres sa lungsod, dakong alas-9:50 ng gabi ng caretaker ng nakilala lang sa pangalang Lydo.

Bago ang pagkakadiskubre, nakatanggap umano si Lydo ng isang text message buhat sa katabing tenant ng biktima na may naamoy silang masangsang mula sa kuwarto ng huli at nangangamba ito dahil tatlong araw ng hindi nakikitang lumalabas ang biktima.

Dahil dito, nagpasya si Lydo na makipag-ugnayan sa barangay at pulis para buksan ang kuwarto kung saan tumambad sa kanila ang naagnas na katawan ng biktima habang nakasalampak sa sahig. Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BANAHAW ST

BIKTIMA

DAHIL

HARRY GILL ORILLOZA

LYDO

NADISKUBRE

NAGSASAGAWA

QUEZON

SAN MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with