^

Police Metro

4 hijacker bulagta sa engkuwentro

Tina Go Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Cavite-Apat na miyembro ng highway robbery holdap ang napaslang nang makaengkuwentro ang tropa ng pulisya sa isang subdibisyon sa barangay Maguyam, Silang Cavite, kahapon ng tanghali.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang Silang Police, para sa pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek at hot pursuit naman sa nakatakas na kasamahan ng mga ito.

Batay sa nakalap na report mula kay Police Sr. Supt. Joselito Esquievel, Cavite provincial Director, alas-12:10 ng tanghali ng maganap ang engkuwentro sa pagitan ng pinagsanib na pu­wersa ng Silang Police at Swat Cavite PPO, laban sa  limang armadong kala­lakihan na nangharang at nangholdap ng isang Alumirnum Van na nag­lalaman ng mga sigarilyo

Nabatid na alas-10:00 ng umaga ng harangin ng limang armadong kalalakihan na sakay ng isang puting Toyota Avanza (XTC-386) ang Aluminum Van (PQS 342), sakay ang driver at pahinante, na naglalaman ng milyong pisong halaga ng Mighty Cigarette.

Mabilis umanong tinutukan ng baril at iginapos ng mga suspek  ang driver at pahinte at ipinasok sa likod ng van. Isang residente ang agad na nakapag-report sa pulisya kung kaya’t nagsagawa ang mga ito ng hot pursuit operation at check point.

Nasukol ng pulisya ang mga suspek sa loob nasabing subdivision, at sa halip na sumuko ay lumaban sa kapulisan at nauwi sa engkuwentro. Tumagal ng may ilang minuto ang palitan ng putok at apat sa mga suspek ang bumulagta habang sugatan ang isang miyembro mg Swat Cavite na si PO1 Ruben Cruzada na nagtamo ng mga tama sa paa at hita.

vuukle comment

ALUMINUM VAN

ALUMIRNUM VAN

JOSELITO ESQUIEVEL

MIGHTY CIGARETTE

POLICE SR. SUPT

RUBEN CRUZADA

SILANG POLICE

SWAT CAVITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with