^

Police Metro

Inabangan ng kaaway… bagets itinumba habang papauwi

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang 17-anyos na binatilyo ng hindi nakikilalang salarin sa Poblacion, San Pablo, Zamboanga del Sur, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya ang biktima na si Jerome Amsid, first year college student ng JH Ceriles State College sa San Pablo Campus at residente sa Purok Lawis, Brgy. Tandubuay ng nasabing lugar ay bigla na lang binaril habang nag­lalakad dakong alas-9:15 ng gabi sa Purok Matinabangan, Poblacion, San Pablo, partikular sa tabi ng Ninos Function hall.

Papauwi umano sa boarding house mula sa paaralan ang biktima ng pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng suspek gamit ang kalibre 45 at matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek.

Posible umanong may nakaaway ang biktima na siyang nag-abang dito at saka binistay ng bala ang katawan ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BRGY

CERILES STATE COLLEGE

JEROME AMSID

NINOS FUNCTION

PAPAUWI

PUROK LAWIS

PUROK MATINABANGAN

SAN PABLO

SAN PABLO CAMPUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with