^

Police Metro

Nang-agaw ng misis, todas sa mister

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 20-an­yos na binata habang ang nobya nito ay nasa kritikal na kalagayan nang atakehin sila nang saksak ng mister ng huli matapos na matiyempuhan na magkasamang nag­lalampungan sa kalsada kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang biktima na nasawi dahil sa tinamong 20 saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Jesper Puyat, binata, salesboy residente ng no. 826 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Habang ang nobya nito na si Rosemarie Badiola, 21, saleslady at kasama sa trabaho ni Puyat sa Fengreco Magic Photographer Corporation, sa Odeon  Terminal Mall ay nasa kritikal na kalagayan dahil sa apat na saksak.

Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Ruel Maghuyop, 21, call center agent, at residente ng no. 435 Palmera St., Sampaloc, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-8:15 ng gabi bago nangyari ang pananaksak sa labas ng Odeon Terminal Mall ay pinuntahan ng suspek ang misis na si Rosemarie sa trabaho nito.

Subalit, pagdating doon ay nakita ang da­lawa na magkaakbay at naglalambingan sa kalye.

Nagdilim ang pani­ngin ng suspek kung kaya’t kinuha ang dalang patalim at inatake ng saksak ang dalawa.

Ayon sa suspek, hindi umuwi ng bahay si Rosemarie noong Lunes at nalaman niya na natulog ito sa inuupahang bahay ni Puyat kaya’t nag-away sila.

Ipinagtapat pa ni Rosemarie na mas mahal nito si Puyat na lalong ikinalumo ng suspek gayung may anak na sila na 5 buwan sanggol na babae.

Gumuho ang pangarap ng suspek at nawalan ng saysay ang  pag-iipon niya para sana sa binyag ng kanilang anak at gastos sa kanilang kasal.

 

vuukle comment

CRUZ

FENGRECO MAGIC PHOTOGRAPHER CORPORATION

JESPER PUYAT

MAYNILA

ODEON TERMINAL MALL

OROQUIETA ST.

PALMERA ST.

PUYAT

ROSEMARIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with