^

Police Metro

Binay kinastigo ang poor performance ng government agencies

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinastigo ni Vice President Jejomar C. Binay ang mahinang performance ng ilang government agencies at bigo na maibigay sa taumbayan ang basic services sa loob ng apat na taon ng admi­nistrasyon.

Ito ang inihayag ni Binay sa pagbubukas ng  ika-40th Philippine Business Conference and Expo.

Isa sa inihalimbawa ni Binay ang malalang sitwasyon ng trapik  sa Metro Manila at kabiguan na mapaganda ang mass transport system.

Maging ang kalagayan ng Ninoy Aquino International Airport at mahinang pagpaplano ng nakaambang power crisis, mataas na importas­yon ng bigas at pagsama ng peace and order situation ng bansa.

Patuloy anya ang pagtaas ng kriminalidad at nakakaalarmang pagdami ng pulis na sangkot sa krimen na kinakailangan bigyan ng atensiyon ng gobyerno.

Sa halip anya na hanapan ng solusyon ang mga problema ay ilang Senador ay mas pinili pa na gibain ang kanyang pagkatao.

Idinagdag pa ni Binay, na ang Senate zarzuela ay ginagawa nung mga nabigo na gampanan ang kanilang tungkulin na pagaanin ang kabuhayan ng taumbayan na hirap na hirap na sa buhay.

“Ginagawa lang nila ang pamumulitika dahil sa ambisyon na muling magkaroon ng kapangyarihan sa 2016 presidential elections kahit na maraming matapakan,” pagwawakas ni Binay.

vuukle comment

BINAY

GINAGAWA

IDINAGDAG

ISA

METRO MANILA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE BUSINESS CONFERENCE AND EXPO

VICE PRESIDENT JEJOMAR C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with