^

Police Metro

83-anyos lola, pari nagsampalan sa simbahan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa loob mismo ng simbahan sinampal ng isang pari ang isang 83-anyos na lolang deboto dahil sa isang mainitang pagtatalo na naganap kamakalawa sa Bacolod City, Negros Occidental.

Sa ulat ng  Bacolod City Police Station 8, dakong alas-11:00 ng umaga nang dumulog sa pulisya ang paring itinago sa pa­ngalang Fr. Rex para ireklamo ang matanda na itinago naman sa pa­ngalang Lola Dionisia.

Sa reklamo ng nasabing pari, dakong alas-9:45 ng umaga ng sumugod sa kanilang parokya ang matanda at sa hindi pa malamang kadahila­nan ay nagsampalan ang mga ito na tanging nakasaad sa police blotter na inireklamo ni Fr.Rex.

Ilang oras matapos magreklamo ang pari ay sumugod din sa presinto si Lola Dionisia at inireklamo naman ng phy­sical injury si Fr. Rex dahil sa pananampal sa kaniya.

Ini-refer naman ng pulisya sa barangay ang nasabing usapin.

vuukle comment

BACOLOD CITY

BACOLOD CITY POLICE STATION

ILANG

INI

ISANG

LOLA DIONISIA

NAMAN

NEGROS OCCIDENTAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with