^

Police Metro

3 drug pusher utas sa shootout

Randy V. Datu at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong lalaki na umano’y wanted sa iba’t ibang kaso partikular na sa droga ang nasawi nang makipagbarilan sa mga otoridad habang naaresto ang dalawa nitong kasama na naganap kahapon ng umaga sa Barangay Calapacuan, Subic, Zambales.

Kinilala ni Subic Police Chief P/Inspector Oriano Mina  ang tatlong napatay na sina Jun-Jun Jakaria Candelaria; isang alyas Tuklaw at isang hindi pa makilalang la­laki. Habang naaresto naman sina Jessica Taralus alyas “Ana” at Abdurasib alyas “Manong” pawang mga residente ng Muslim Community sa nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang lusubin ng pinagsanib na grupo ng PNP Special Action Force, PDEA at ng local police para isilbi ang warrant of arrest para sa mga suspek.

Papalapit pa lamang ang mga otoridad nang sila ay paputukan ng mga suspek.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na nauwi sa shootout at napatay ang tatlo at naaresto ang dalawa.

Nasamsam ng mga otoridad ang dalawang kalibre 45 baril; isang kali­bre 22 baril; isang kalibre 38;14 small plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P40,000 at iba pang shabu paraphernalias. 

vuukle comment

ABDURASIB

BARANGAY CALAPACUAN

INSPECTOR ORIANO MINA

JESSICA TARALUS

JUN-JUN JAKARIA CANDELARIA

MUSLIM COMMUNITY

SPECIAL ACTION FORCE

SUBIC POLICE CHIEF P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with