^

Police Metro

Purisima: ‘I rate myself about a 9’

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ni-rate ni PNP Director General Alan Purisima ang sarili at halos perpekto ang ibinigay niyang grado bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Sa pagtatanong ni Senador Grace Poe kung ano ang self rating ni Purisima sa efforts sa PNP 1 to 10, 10 bilang pinakamataas, “I rate myself about a 9,” ang naging tugon ng PNP chief.

Ito’y sa kabila ng mga kontrobersyang kinakaharap niya tulad ng kuwestyunable umanong statement of assets, liabilities and net worth (SALN) at “White House” sa Kampo Crame.

Matapos ibigay ang self rating, harapan namang inamin ni Poe na may inconsistencies siyang nakita sa naging testimonya ni Purisima sa Senado.
Paghimay ng senador, dapat noong una pa lang ay nilinaw na ni Purisima na bagama’t wala siyang ipinapatayong property sa Nueva Ecija ay may nakatayo na siyang bahay doon.

Sa kabila rin ng paliwanag ng PNP chief, iginiit ni Poe na hindi tama ang naging paraan ng pagtanggap nito ng donasyon para sa multi-milyong official residence sa Crame.

At para kay Poe, 4/10 lang si Purisima.

“Dito sa hearing kung ako ba’y kumbinsido na wala nang, pwedeng sabihin nating anomalya, siguro baka 4. Ang sinasabi ko lang dito sa hearing na narinig ko,” sabi ng senador sa press conference matapos ang pagdinig.

Una nang nanindigan si Purisima na hindi siya magbibitiw sa puwesto.

vuukle comment

CRAME

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

DITO

KAMPO CRAME

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PURISIMA

SENADOR GRACE POE

WHITE HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with