^

Police Metro

Couple pinasok sa bahay, pinatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinasok ng nag-iisang lalaki ang bahay ng isang mag-asawa at dito ay pinagbabaril habang hindi naman sinaktan ang kanilang 5-anyos na anak na lalaki kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Ronualdo Batuto, 35, secretary  sa isang law  firm  na nagtamo ng bala sa dibdib, kaliwang hita at kaliwang balikat, at live-in partner nitong si Niña Dela Cruz, 31, na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib, kanang hita.

Batay sa ulat, ang mag-asawa ay dinatnan na lamang ng mga rumespondeng tauhan ng MPD-Station 4, na nakahandusay malapit sa pintuan ng kanilang kuwarto sa kanilang bahay sa no. 503 Geronimo St., Sampaloc, Maynila.

Sa kasalukuyan, ang anak nilang si Aaron ay masaya na nanonood ng telebisyon sa loob ng Manila Police District-Homicide Section at hinihintay na dumating ang mga magulang dahil tulog na tulog umano ito nang maganap ang pamamaril.

Walang nakitang forced entry at pinaniniwalaang kinatok at pinapasok pa ng mag-asawa ang suspek at nang nasa loob na ay saka sila pinagbabaril.

Ayon sa ilang saksi, isang lalaki na nakasuot ng bull cap, itim na  jacket at nakasuot ng tsinelas ang nakita nilang tumatakbo papatakas mula sa bahay ng mga biktima at sumakay sa isang puting kotse na kung hindi Innova ay Toyota Avanza na hindi naplakahan.

Isa umanong mabait na tao si Ronualdo, palangiti at hindi naniniwala ang kakilala na may kaugnayan sa trabaho ang pamamaslang.

 

vuukle comment

AYON

BATAY

DELA CRUZ

GERONIMO ST.

INNOVA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RONUALDO BATUTO

TOYOTA AVANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with