^

Police Metro

Sa 2016 presidential survey... Roxas umangat, Binay sumadsad

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumagsak ng 10-porsyento ang ratings ni Vice President Jejomar Binay bilang posibleng presidential candidate sa 2016 elections.

Habang umangat ng anim na porsyento si DILG Sec. Mar Roxas at ngayo’y nasa ikalawang ranggo mula kay Binay (13-percent mula sa da­ting 7-percent noong Hunyo).

Sa survey ng Pulse Asia nitong Setyembre 8 hanggang 15, nakakuha si Binay ng 31-percent na mas mababa kaysa sa rating niya noong Hunyo na 41-percent.

Ginawa ang survey kung kailan naka-limang pagdinig na ang Senado ukol sa umano’y overpriced Makati City Hall building 2.

Ilang linggo matapos lumabas ang survey ng Pulse Asia noong Hunyo, nagsampa ng reklamong plunder ang kampo nina Atty. Renato Bondal at Nicolas Enciso laban sa bise-presidente at sa anak nitong si Makati Mayor Junjun Binay kaugnay ng Makati City Hall 2.

Ipinakita rin sa survey results na bumagsak ang bilang ng sumusuporta kay Binay sa lahat ng panig ng bansa-11 puntos sa Metro Manila, siyam (9) na puntos sa ibang bahagi ng Luzon, 10 puntos sa Visayas, at siyam (9) na puntos sa Mindanao.

Malaki rin ang ibinawas sa bilang ng naniniwala kay Binay batay sa katayuan sa buhay-13 puntos sa mayayaman at middle class (ABC), 10 puntos sa mahihirap (D), at 7 puntos sa pinakamahirap na Pilipino (E).

Umarangkada rin ang bilang ng sumusuporta kay Roxas mula pitong (7) porsyento noong Hunyo tungo sa 13 porsyento ngayong Setyembre.

Sa kabila ng pagbaba ng ratings ni Binay, siya pa rin naman ang nangu­nguna sa survey.

Nagpalit-palit naman ng pwesto ang iba pang ‘napipisil’ na maging susunod na pangulo ng bansa.
Sinusundan ni Senador Miriam Defensor Santiago na may 11-percent at Sen. Grace Poe na nasa ikaapat na lamang na pwesto taglay ang 10-percent. Sa June survey, sunod kay Binay si Poe na mayroong 12-percent. 
Katabla ni Poe sa latest survey si Manila Mayor Joseph Estrada na mayroon ding 10-percent.

Ang mga lumutang namang pangalan sa pagka-bise presidente sa 2016 elections ay sina: Poe, 31%; Sen. Chiz Escudero, 19%; Senator Alan Peter Cayetano, 9%; Senator Antonio Trillanes IV, 7%; at Sen. Bongbong Marcos, 6%.

Bagamat hindi pa nagdedeklara ng intensyong tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 ay inaasahang si Roxas ang pipiliing kandidato ng Liberal Party ni Pangulong P-Noy.

vuukle comment

BINAY

BONGBONG MARCOS

CHIZ ESCUDERO

GRACE POE

HUNYO

LIBERAL PARTY

MAKATI CITY HALL

PULSE ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with