^

Police Metro

Deniece nakalaya na rin

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-isyu na kahapon ng release order ang Taguig City Regional Trial Court (RTC) para sa pansamantalang kalayaan ng modelong si Deniece Cornejo matapos nitong mabayaran ang piyansang P.5 million.

Ini-issue ng Taguig RTC ang release order ni Cornejo dakong alas-12:00 kahapon at muling ibinalik   ito  sa Camp Crame para isailalim muna ito sa pagsusuring medical bago ito pinalaya  mula sa  kanyang kulungan.

Nabatid na noong Lunes Setyembre 15, nagpalabas ng desisyon ang korte na pinapayagang makapagpiyansa  sina Cornejo; Cedric Lee at Simeon Raz kahit ang kaso nilang kinakaharap na serious illegal detention ay non-bailable offense.

Naunang nakapagpiyansa sina Lee at Raz noong Martes (Setyembre 16).

Sina Cornejo; Lee at Raz ay sinampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion  matapos nilang pagtulungang bugbugin ang actor at TV host na si Vhong Navarro noong Enero 23, 2014 sa condominium na inookupahan ng naturang modelo  sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.  

 

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY

CAMP CRAME

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

LUNES SETYEMBRE

RAZ

SIMEON RAZ

SINA CORNEJO

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with