^

Police Metro

Dalagita nakipagkita sa nobyo... Date nauwi sa rape

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging malaking leksyon sa isang 14-anyos na dalagita ang hindi nito pagpapaalam sa magulang na makikipag-date sa nobyo matapos na siya ay reypin nito kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.

Lumuluhang dumulog sa pulisya ang biktima na itinago sa pangalang Marivic,14-anyos ng Phase 3, Country Home, Ayala ng lungsod na ito para magsampa ng reklamo laban sa kanyang nobyo na 15-anyos na itinago sa pangalang Miguel na residente ng Advent Homes, Ayala.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya na bago nangyari ang rape dakong alas-10:00 ng gabi ay patakas siyang umalis ng bahay na lingid sa kanyang mga magulang na siya ay makikipagkita sa nobyo.

Subalit, nang magtagpo ang biktima at suspek sa bahay ng huli ay doon na siya ginahasa at pagkatapos ng makamundong pagnanasa ay pinauwi na ang biktima dakong alas-12:00 ng hatinggabi.

Nagulat ang magulang sa pag-uwi ng anak na duguan ang palda kaya’t nang usisain ay doon ipinagtapat na siya ay ginahasa ng nobyo.

Agad namang nagsuplong sa pulisya ang biktima na sinamahan ng kaniyang mga magulang.

 Sa follow-up operations ng Ayala Police Precinct ay nasakote naman ng pulisya ang suspek na pansamantalang ikinulong sa Children in Conflict Law Center sa Culianan, Zamboanga City.

Nabatid sa suspek na kaya niya nagawa ang pang­hahalay sa nobya ay dahil sa naapektuhan siya sa kanyang mga napapanood na malalaswang palabas sa DVD at internet.

vuukle comment

ADVENT HOMES

AYALA

AYALA POLICE PRECINCT

CONFLICT LAW CENTER

COUNTRY HOME

CULIANAN

LUMULUHANG

MARIVIC

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with