^

Police Metro

Walang nagbayad ng utang... 4 patay sa pulis na sinuba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang habas na namaril ang isang pulis sa loob ng Pangasinan National High School na ikinasawi ng apat katao  kabilang ang dalawang guro kamakalawa ng hapon sa Lingayen, Pangasinan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Florenda Flores; Acedilio Sison; pawang guro sa PNHS; Linda Sison at ang collector  na si Jonalito Uragon.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang sina Jovito Jimenez, Ferdinand Entimani, Juliet Molano at dalawang estudyante.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon habang malapit ng magsiuwi ang mga guro at estudyante sa nasabing eskuwelahan nang dumating ang suspek na si PO2 Bernardo Alipio, miyembro ng Anda Police.

Galit na galit umano ang suspek na armado ng M16 rifle at isang granada matapos na hindi makapaningil ng utang na 5-6 sa ilan sa mga biktima na nakatalo nito.

Pagkatapos ng pagtatalo ay nag-amok ang pulis sa pamamagitan ng walang habas na pamamaril at tinamaan ang apat na katao kabilang ang dalawang guro.

Ipinasuspinde naman ni Pangasinan Gov.  Amado T. Espino Jr. ang klase sa nasabing paaralan ng dalawang araw para makarekober muna sa dinanas na trauma ang mga faculty staff at mga estudyante dito.

Ayon sa imbestigasyon na bago ang pamamaril ay nagbanta ang suspek sa ilan sa mga may utang sa kanya na may masamang mangyayari kapag hindi nagbayad ng utang sa kanya.

Ang suspek ay na nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal.

vuukle comment

ACEDILIO SISON

AMADO T

ANDA POLICE

BERNARDO ALIPIO

ESPINO JR.

FERDINAND ENTIMANI

FLORENDA FLORES

JONALITO URAGON

JOVITO JIMENEZ

JULIET MOLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with