^

Police Metro

Misis na ‘asset’ ng pulis itinumba

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa iligal na droga, itinumba ng hinihinalang mi­yembro ng isang sindikato ang isang babae na inakala umano na “police asset”, kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

 Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Jacquelyn Leongson, 42, walang trabaho, ng Block 33 Lot 20 Aries Street, Brgy. San Roque, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Navotas Police, naglalakad mag-isa ang biktima dakong alas-2:20 ng madaling araw sa  Fatima St. Barangay Daang Hari, nang sumulpot ang nag-iisang suspekbuhat sa likuran at agad na pagbabarilin ng malapitan si Leongson, habang mabilis naman  tumakas ang suspek.

Bagama’t blangko sa pagkakakilanlan ng salarin dahil sa kawalang-koo­perasyon ng mga residente, naniniwala ang pulisya na napagkamalan ng sindikato ng iligal na droga ang biktima na isang police asset dahil sa palaging kasama ito ng isang totoong police asset.

vuukle comment

ARIES STREET

BAGAMA

BRGY

DAHIL

FATIMA ST. BARANGAY DAANG HARI

JACQUELYN LEONGSON

NAVOTAS CITY

NAVOTAS POLICE

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with