^

Police Metro

Drug pusher itinumba

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malapitang binaril sa ulo ng hindi pa kilalang suspek ang isang 32-anyos na lalaki habang ito ay naglalakad kahapon ng umaga sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Jojo Pradas, ng 13th St., Damayan Lagi, E. Rodriguez, Quezon City,.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga ay naglalakad ang biktima malapit sa Area-H, Gate 64,  Parola Compound,  Tondo, Maynila nang ito ay  hatakin ng hindi pa kilalang suspek at malapitang binaril sa ulo.

Kahit nakabulagta ay pinagbabaril pa rin ito upang siguraduhin, hindi na mabubuhay pa.

Ayon sa pulisya, na madalas dumayo sa lugar ang biktima at tumutuloy pansamantala sa isang alyas “Jocelyn” ng dalawa hanggang 3 araw.

Sa imbestigasyon ay nakadispalko umano ang biktima sa pinagbentahan nito ng shabu, subalit makulit umano itong kumuha pa rin ng maibebentang droga.

 

vuukle comment

AREA-H

AYON

BATAY

DAMAYAN LAGI

JOCELYN

JOJO PRADAS

KAHIT

MAYNILA

PAROLA COMPOUND

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with