^

Police Metro

4 sugatan sa pamamaril ng nakamaskarang riding-in-tandem

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat ang nasugatan sa pamamaril ng nakamaskarang riding-in-tandem sa kanto ng Edsa at Cabrera Street, Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Saddam Cerera, nasa hustong gulang, barker na tinamaan ng bala sa noo na umano ay siyang target ng pamamaril; Ricky Geraldino, 34, bus dispatcher, Aaron Dominique Talban, 23, data analyst, at Fred Belogot, tricycle driver na kapwa nagtamo ng mga tama ng  bala sa kani-kanilang katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-3:20 ng madaling-araw ay nag­lalaro ng cara y cruz ang tatlong biktima sa Edsa Avenue, Zone 15, Brgy, 142 nang dumaan ang isang motorsiklo na walang plaka sakay ang dalawang suspek at pinagbabaril si Cerrera na kung saan ay tinamaan din ang dalawang kalaro nito at ang dumadaan na si Talban.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril  kay Cerrera.

vuukle comment

AARON DOMINIQUE TALBAN

APAT

CABRERA STREET

CERRERA

EDSA AVENUE

FRED BELOGOT

PASAY CITY

RICKY GERALDINO

SADDAM CERERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with