^

Police Metro

Bangkay ng ika-7 estudyante na naanod sa ilog sa Bulacan narekober na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa 7 estudyante na ang naitalang nasawi sa trahedyang field trip ng Bulacan State University (BSU) matapos na matagpuan ang bangkay ni Maiko Eleva Bartolome kahapon ng umaga sa Madlum River, San Miguel, Bulacan.

Sa ulat, dakong alas-7:40 ng umaga ng marekober ang bangkay  ni Bartolome na nadaganan ng  malala­king bato kaya nahirapan itong makita agad ng search and rescue team ng pulisya at ng Philippine Army na nagtulong para marekober ang bangkay ng mga nalunod na estudyante.

Inihinto na ang search and retrieval operations dahilan natagpuan na si Bartolome  na siyang huling biktima sa malagim na trahedya.

Magugunita na noong Martes  ng magtungo ang 181 1st year Tourism Student ng BSU sa Madlum Cave para sa kanilang field trip sa Brgy. Sibul, San Miguel, Bulacan nang abutan ang mga ito ng rumaragasang baha habang tumatawid sa ilog  bandang alas-3:00 ng hapon.

Pitong estudyante ang nilamon ng malakas na agos  at dalawa naman ang sugatang nasagip.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Elena Marie Marcelo, Mickel  Alcantara, Sean Rodney Alejo, Michelle Anne Rose Bonzo, Janet Rivera, Madel Navarro at Bartolome.

 

vuukle comment

BARTOLOME

BULACAN

BULACAN STATE UNIVERSITY

ELENA MARIE MARCELO

JANET RIVERA

MADEL NAVARRO

MADLUM CAVE

MADLUM RIVER

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with