^

Police Metro

OFW si misis... 3 anak hinalay ng itay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong magkakapatid ang nagsampa ng kasong rape laban sa kanilang tatay matapos na sila ay ginawang parausan nito habang nagtatrabaho sa  bansa ang kanilang nanay.

Ang suspek na kinasuhan ng statutory rape in relation to RA 7610 o child abuse ay kinilalang si Chester Legaspina, 39, residente ng Brgy. Malagasang II-B, Imus, Cavite.

Ayon sa ulat ng Cavite CIDG na natuklasan lang ang ginawang kahayupan ng suspek sa kanyang tatlong anak na may edad 14, 5 at 2 nang magsumbong ang una sa kanyang lola.

Ayon sa 14-anyos na dalagita, na 4-anyos pa lamang siya nang simula siyang molestiyahin ng ama sa pamamagitan ng paghipo at paghalik sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Subalit, pagtuntong niya ng 7-anyos ay dito na siya sinimulang halayin ng ama na nagaganap araw-araw at ang pinakahuli ay itong Hulyo 25 na kung saan siya ay 14-anyos na.

Hindi na nito naka­yanan ang kalbaryo kung kaya’t humingi ito ng tulong sa mga kapitbahay na nagsumbong naman sa kanilang lola.

Matapos magsumbong sa lola ay dito lamang nalaman na pati ang dalawa pang kapatid ay hinalay at minolestiya ng ama.

Nagsampa ng reklamo ang magkakapatid sa pulisya at nagsagawa ng operasyon at inaresto ang ama.

Sa resulta ng medico-legal report ay nakitaan na ang tatlong magka­patid ay may mga sugat sa maseselang bahagi na indikasyon na dumaan sila sa  traumatic sexual abuse.

Ang ina ng mga bata ay nagtatrabaho sa Qatar bilang OFW kaya naiiwan sila sa panga­ngalaga ng ama.

vuukle comment

AYON

BRGY

CAVITE

CHESTER LEGASPINA

HULYO

MALAGASANG

MATAPOS

NAGSAMPA

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with