^

Police Metro

Dalaga, 10 taon sex slave ng ama

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa loob ng 10 taon ay kamakalawa lang nagkaroon ng lakas ng loob na ipagtapat ng isang dalaga ang ginagawang panghahalay sa kanya ng ama habang wala ang kanyang ina sa kanilang bahay sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Ang suspek na inaresto ay kinilalang si Valeriano Letegio, 58, residente ng Sitio Taguima, Brgy. Lugdungan ng lungsod.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pa­ngalang Rhoda,19-anyos, 4th year high school student na nagsimula siyang halayin ng ama noong siya ay 9-anyos pa lamang na kadalasang ginagawa sa tuwing wala ang kanyang ina.

Tiniis niya ang ginagawang kabuhungan ng ama dahil sa banta nito na sila ay papataying mag-ina.

Natapos lang ang kalbaryo ni Rhoda kamakalawa ng alas-5:45 ng umaga habang papasok siya sa eskuwelahan nang harangin at kaladkarin siya ng ama sa damuhan sa Sitio Macasawad, Brgy. Isis, Polanco at doon muling ginahasa.

Kaya naman ay ipinagtapat na niya ito sa kanyang ina at sinamahan siyang pumunta sa mga otoridad para ireklamo ang ama na agad din naaresto.

Nahaharap ang suspek sa multiple counts ng rape.

vuukle comment

BRGY

DIPOLOG CITY

KAYA

LUGDUNGAN

NAHAHARAP

RHODA

SITIO MACASAWAD

SITIO TAGUIMA

VALERIANO LETEGIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with