^

Police Metro

Ginang na buntis, anak dedo sa tipak ng bato

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos madurog ang katawan ng isang ginang na nasa kabuwanan ng pagbubuntis at anak nitong dalagita matapos na magulungan ng malalaking tipak ng bato ang kanilang bahay sa naganap na landslide kamakailan sa Maharlika highway, Brgy. Canipa, Calbayog City, Samar.

Sa naantalang ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kinilala ang mag-inang nasawi ay sina Marife Monteves, 37, na 9 buwang buntis at ang anak nitong si Danica,12.

Masuwerte namang nakaligtas  ang mister nito na si Danilo at dalawa pa nilang anak na sina ­Diana, 9 at Danilyn, 5, na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Sa ulat, bandang alas-2:00 ng hapon nitong Sabado nang mabagsakan ng malalaking tipak na bato na mula sa itaas ng bundok ang bahay  ng pamilya Monteves.

Ayon kay Danilo sa mga otoridad, mahimbing silang natutulog nang makarinig sila ng rumaragasang malakas na dagundong ng mga bato at tumama sa kanilang bahay na nasa paanan ng bundok at nasapol ang mag-ina.

Nagawa namang makapagkubli ni Danilo at dalawa pa nitong mga anak kaya nakaligtas sa trahedya.

Pinaniniwalaan namang ang paglambot ng lupa ang sanhi ng pagragasa ng mga bato.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CALBAYOG CITY

CANIPA

DANICA

DANILO

DANILYN

MARIFE MONTEVES

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with