^

Police Metro

ABU ambush: 21 katao utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang 21 sibil­yan kabilang ang ilang mga bata nang ratratin ng nasa 50 bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang sinasakyan nilang dalawang Tamaraw jeepney na naganap kahapon ng mada­ling-araw sa Talipao, Sulu.

Kinilala ang mga nasawing sina Padzma Hasan; Misyaar Hasan,14; Maida Hasan, 35; Jirmalyn Hasan, 14; Dadah Palahuddin, 85; Mura Ahadan, 60; Jainab Ajid, 50; Milina Ahadan, 15; Miriam Binhur, 19; Nurfaisa Gappar, 14; Dayang Ahadan, 19;  Tatga Isahac, 40; Risalyn Isahac,7; Saik Ajid, 45; Said Palahuddin, 35; Abdul Julhari, 83; Baris Julhari, 19; Abdukahal Ahadan, 19; Abdulharim Isahac Omar habang inaalam pa ang pangalan ng ibang nasawi.

Sa ulat na natanggap ni Brig. Gen. Martin Pinto, Commander ng 2nd Marine Brigade na naganap ang pananambang sa mga biktima sa highway ng bayan ng Talipao dakong alas-8:30 ng umaga.

Batay sa imbestigasyon, nasa 40 sibilyan ang sakay ng dalawang Tama­raw jeep na binabagtas ang nasabing highway sa liblib na lugar sa bayan ng Talipao nang paulanan ng bala ng mga bandido.

 Mabilis na nagresponde sa lugar ang tropa ng Philippine Marines at 16 bangkay ang narekober sa ambush site, habang 5 ang nasawi sa hospital. 

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan. Nagsagawa ng hot pursuit operations ang mga otoridad laban sa grupo ng Abu Sayyaf.

vuukle comment

ABDUKAHAL AHADAN

ABDUL JULHARI

ABDULHARIM ISAHAC OMAR

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BARIS JULHARI

DADAH PALAHUDDIN

DAYANG AHADAN

TALIPAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with