^

Police Metro

P-Noy: ‘Filipino is worth living and fighting for’

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binigyang-diin ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa joint session ng Kongreso ang katagang “The Filipino is worth living for and the Filipino is worth figh­ting for!”

Ayon pa kay Pangulong Aquino, na papalapit ang  minimithing kinabukasan simulan noong mahalal siya noong 2010 ang pagpapatupad ng reporma na hanggang ngayon ay ipinapatupad.

“Pinili nyo ang mabuti at ang tama, tumotoo kayo sa akin at ako naman ay tumotoo sa inyo,” ito ang nangingilid ang luhang binitiwan ni P-Noy sa kanyang ika-5 SONA na tumagal ng isang oras at 34 minuto.

“Mga boss kayo ang susi sa pagpapatuloy ng lahat ng positibong pagbabagong naabot natin,” giit pa ng Pangulo.

Sinabi pa ni P-Noy sa kanyang SONA, may mga humahadlang sa ipinapatupad niyang reporma at mga programa para sa kagalingan ng taumbayan.

Inihalimbawa ng Pangulo na mauudlot ang mga magagandang proyekto dahil idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Kaya’t hinikayat ni Pangulong Aquino ang Kongreso na agad ipasa nito ang supplemental budget para sa 2014 dahil sa naantalang mga proyekto na pinondohan mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na nahinto nang ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang parte ng pagpapatupad ng DAP.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat ipagkait ang paghahatid ng ser­bisyo sa taumbayan kaya nararapat lamang ituloy ang mga naudlot na mga proyektong pinondohan ng DAP sa pamamagitan ng paghahain ng gobyerno ng 2014 supplemental budget.

Kabilang sa mga inihalimbawa pa ng Pa­ngulo na magandang benepisyo ng DAP ay ang mga TESDA scholars na pinondohan ng P1.6 bilyon mula sa DAP su­balit nagresulta naman sa mahigit 200,000 na graduates.

Napondohan din anya ng DAP ang expanded conditional cash transfer na mas maraming mahihirap na mamamayan ang natulungan.

Wala na ring kakula­ngan sa mga silid-aralan dahil napunan na ito sa ipinatayong mga school classrooms sa buong bansa mula sa DAP.

Ibinida rin ng Pangulo ang nagawang mga reporma sa military at PNP particular ang moder­nisasyon na nagawa nito.

Ipinagmalaki rin ni P-Noy na nagawa ang mga repormang ito at mga proyekto kahit hindi nagtaas ng buwis ang gobyerno maliban sa sin tax.

Inihayag din ni ­P-Noy na isusumite na ng gobyerno sa Kongreso ang P2.606 trilyong 2015 national budget sa Kongreso.

vuukle comment

AYON

DAP

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KONGRESO

KORTE SUPREMA

P-NOY

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with