^

Police Metro

Resbak ng kaaway ni mister... Misis inutas habang tulog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi akalain ng isang mister na ang kanyang misis ang pagbabalingan ng kanyang mga kaaway matapos na pagbabarilin ang huli habang natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. San Isidro, Oluntanga, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pulisya, ang biktimang si Marbe Delaganar, 27, ay mahimbing na natutulog kasama ang kanyang mga anak ng ata­kihin ng di pa mabilang na mga suspects dakong alas-9 ng gabi.

Posible umanong sa siwang ng bahay na kawayan ng mga biktima inilusot ang baril ng mga suspects at saka pinatay ang biktima.

Narekober naman ng mga nagrespondeng awtoridad ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang motibo ng krimen.

vuukle comment

AYON

BRGY

ISINASAILALIM

MARBE DELAGANAR

NAREKOBER

OLUNTANGA

SAN ISIDRO

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with