^

Police Metro

Estudyante target ng mga holdaper na nakakotse

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gumagala ngayon ang isang grupo ng hol­daper na nakakotse at target na biktimahin ay mga estudyante.

Ito ang naging babala ng Malabon City Police matapos ang  isang 14-anyos na lalaking estudyante sa Immaculate Concepcion Parochial School ang naging biktima noong nakalipas na Biyernes (Hulyo 11) ng alas-6:50 ng gabi.

Sa salaysay ng binatilyo na siya ay  nag­lalakad sa Gov. Pascual sa Brgy. Catmon nang hintuan siya ng isang lumang kotse at bumaba ang dalawa sa tatlong sakay nito. 

Sapilitang hinatak papasok ng sasakyan ng mga salarin ang biktima saka pinasibad ang kotse.

Habang nasa loob ng kotse, tinangkang kunin ng mga salarin ang cellular phone ng binatilyo, ngunit nagalit ang mga suspek nang malamang wala itong dalang cell phone.

Sa inis ay sinapak sa mukha ng isa sa mga suspek ang biktima at kinuha na lamang ang pitaka nito na naglalaman ng P250.

 Ibinaba ng mga suspek ang biktima sa may Tayuman sa Maynila.

Nagawa namang makauwi ng bahay ang biktima nang maglakad na lamang saka isinumbong ang sinapit na panghoholdap.

vuukle comment

BIYERNES

BRGY

CATMON

GUMAGALA

HABANG

HULYO

IBINABA

IMMACULATE CONCEPCION PAROCHIAL SCHOOL

MALABON CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with