^

Police Metro

Kelot todas sa manliligaw ng ex-lover

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang 41-anyos na lalaki nang ito ay barilin ng isang lalaki na nanliligaw sa dati nitong lover kahapon sa Taguig City.

Ang nasawi ay kinilalang si Dennis Bautista, 41, residente ng 89 Gen. Luna St., Barangay Tuktukan ng naturang lungsod.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si “alias Pipoy”.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga  ay pinuntahan ng biktima ang bahay ng dating lover sa 71 MLQ Street, Purok Uno, New Lower Bicutan para muling umakyat ng ligaw matapos na mabalitaan na may lumiligaw na rito.

Nabatid na halos pitong taon na nagsama ang biktima at dating live-in partner na si Ariane Cleofaz bago nagkahiwalay may walong buwan na ang nakakalipas.

Pagdating sa bahay ng biktima ay naabutan nito ang suspek kaya’t nagkaroon ng mainitang komprontasyon hanggang bumunot ng baril at binaril sa ulo ang una.

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.

 

vuukle comment

ARIANE CLEOFAZ

BARANGAY TUKTUKAN

DENNIS BAUTISTA

LUNA ST.

NABATID

NAMATAY

NANG

NEW LOWER BICUTAN

PUROK UNO

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with