^

Police Metro

Bebot dedo sa lover na ex-pulis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang babae ang nasawi matapos na walang patumanggang gulpihin ng lover na dating pulis kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima na natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay ay kinilalang si Gina Ortis nasa 40-50 ang edad.

Ang suspek na kusang loob na sumuko sa pulisya ay kinila­lang si dating SPO3 Longino Catalan, 67, ng Rivera Compound, Brgy. Talipapa, ng lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang krimen pasado alas-11:30 ng gabi ay sinugod ng biktima ang bahay ng suspek para komprontahin sa nababalitaan nito na may ibang babae na kinakasama.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang komprontasyon nang sinipa ng babae ang ari ng suspek na naging dahilan para magdilim ang paningin nito at walang humpay na pinagsusuntok ang  babae hanggang sa mawalan ng malay tao.

Tumawag ang mga kapitbahay ng tulong sa mga otoridad at nang rumesponde ay nasukol ang suspek at nakita ang wala nang buhay na biktima.

 

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

GINA ORTIS

ISANG

LONGINO CATALAN

NAUWI

RIVERA COMPOUND

TALIPAPA

TUMAWAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with