^

Police Metro

Mawawalan ng quorum sa Senado... Maraming Senador sasabit sa pork scam

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa sandaling masampahan ng plunder ang lahat ng mga senador na sasabit sa pork barrel fund scam ay tiyak na mawawalan ng quorum ang Senado.

Ito ang ibinunyag ni dating senador at ngayon ay rehabilitation czar  Panfilo Lacson sa isang panayam sa radyo dahil sa listahan ng mga sabit sa pork barrel fund scam na ibinigay sa kanya ng mister ni Janet Lim-Napoles na si Jimmy.            

Bagaman at unang napa­ulat na aabot sa 19 na senador ang sangkot sa scam kung saan kasama sina Senate Miority Leader Juan Ponce Enrile, Senators Jose “Jinggoy” Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr.,  sinabi ni Lacson na sa listahang hawak niya ay wala namang 19.

“Parang walang 19 pero may quorum. Maraming  pangalan dun hindi lang sa Senate pati sa House, may mga pa­ngalan din na hindi ko  inakala na makasama doon pero nakasama doon,”pahayag ni Lacson.

Ayon pa kay Lacson may mga pangalan sa nasabing listahan ang kahit isang beses ay hindi pa nababangit maging  sa pagdinig sa Senado.

Nakipagkita ang asawa ni Napoles kay Lacson base na rin sa kahilingan ng itinuturong utak ng pork barrel fund scam.

Isa umano sa mga itinuturong dahilan kung bakit kay Lacson nais magbunyag ni Napoles ay dahil siya lamang ang hindi nakinabang sa pork barrel funds.

Matatandaan na noong senador pa si Lacson hindi nito tinatanggap ang kanyang pork barrel funds.

Idinagdag ni Lacson na nangangamba rin si Napoles sa posibleng mangyari sa kanya lalo pa’t sasailalim ito sa ope­rasyon kaya nagpasya itong magsabi ng totoo.

“Kasi nahaharap siya sa biopsy at inisip niya na baka kung ano ang mangyari sa kanya gusto niyang kahit papano ay maituwid yung pagkakamaling nagawa niya at least kung may mangyaring masama sa kanya parang may nagawa siya sa katotohanan. Pa­ngalawa ako yung pinagbilin ng kanyang asawa na ako ang kausapin dahil siguardo raw sila na hindi ako involve at karamihan naka-transact niya yung karamihan ay yung kanyang mga ahente  ako lang yung sinasabi nila hindi talagang walang transaction yun ang pangunahin nilang dahilan kung bakit ako talaga,” ani Lacson.

vuukle comment

JANET LIM-NAPOLES

LACSON

NAPOLES

PANFILO LACSON

REVILLA JR.

SENADO

SENATE MIORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with