^

Police Metro

Mag-utol na paslit tupok sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuan ng mga otoridad na magkahawak pa ang kamay ng isang magkapatid na paslit na  halos hindi makilala matapos na matupok sa nasusunog nilang bahay kamakalawa ng gabi sa Villasis, Pangasinan.

Ang nasawing mga biktima ay kinilalang sina Anthony, 4-anyos at kapatid nito na si Mark Laurence  Canivas,-1 anyos.

Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang tupukin ng apoy ang bahay na matatagpuan sa Brgy. Poblacion Zone 2, Villasis ng lalawigang ito.

Nasugatan naman si Anthony sanhi ng tinamo nitong mga lapnos at paso sa katawan nang tangkaing sagipin ang dalawang paslit na anak.

Ayon sa imbestigasyon, pansamantalang iniwan ng mag-asawa ang dalawang paslit na anak na kasalukuyang natutulog para manood ng palabas sa piyesta sa kanilang lugar, pero pagbalik ng mga ito ay nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay.

Malaki ang hinala ng pulisya na natabig ng isa sa mga bata ang gasera na ilaw sa bahay ng mga ito na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama na pinagmulan ng sunog.

Sanhi na gawa lamang light materials ang bahay kaya’t mabilis kumalat ang apoy sa buong kabahayan at hindi na nakalabas ang dalawang bata.

Nadamay din sa insidente ang tatlo pang mga katabi nitong kabahayan.

Halos bagsakan ng langit at lupa sa pagsisisi ang mag-asawa sa ginawa nilang pag-iwan sa dalawang anak dahil lang sa kagustuhang manood ng piyesta.

vuukle comment

AYON

BATAY

BRGY

CANIVAS

MALAKI

MARK LAURENCE

NADAMAY

POBLACION ZONE

VILLASIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with