^

Police Metro

Internet connections, iimbestigahan ng Senado... mahal na, mabagal pa

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bakit mabagal ang internet connections sa bansa gayung mahal ang ibinaba­yad ng mga consumers?

Ito ang nais malaman at nakatakdang imbestigahan  ni Senador Bam Aquino matapos lumabas ang ulat na nangungulelat ang Pilipinas sa mga kalapit-bansa sa Southeast Asia pagdating sa bilis ng internet.

Ayon sa isang infographic na inilabas ng ASEAN DNA, ang Pilipinas ay naunahan pa ng (3.6 Megabytes per second), Laos (4.0 Mbps), Indonesia (4.1 Mbps), Myanmar, Brunei (4.9 Mbps), Malaysia (5.5 Mbps) at Cambodia (5.7 Mbps).

Kabilang naman sa mga bansa na ang bilis ng internet ay mataas sa ASEAN average na 12.4 Mbps ay Vietnam (13.1), Thailand (17.7) at Singapore.

Nais malaman ng senador kung bakit mas mabilis at mas mura ang internet ng ilang mga kalapit bansa habang nagtitiis ang Pilipinas sa mabagal na koneksyon.

 â€œMarami tayong natatanggap na reklamo ukol sa kabiguan ng provider na ibigay ang ipinangakong bilis ng internet, na nagreresulta sa mabagal na koneksiyon,”ani Aquino.

Kadalasan, nagba­bayad ang consumer ng P1,000 kada buwan sa internet service na may bilis na hanggang 2 megabyte per second habang ang ibang telecommunication companies ay naniningil ng P2,000 para sa internet na may bilis na 5 Mbps.

 â€œMahal ito kumpara sa Singapore at Thailand kung saan makikita ang isa sa pinakamabilis na internet connection sa mundo,” wika ni Aquino.

Ayon sa senador, ang Singtel, na siyang pinakamalaking telecommunications company sa Singapore, ay nag-aalok ng 15 megabytes kada segundo ng internet speed para sa 36.90 Singapore dollars o P1,312 kada buwan (P87 kada Mbps).

Ang True Internet ng Thailand naman ay mayroong 12 Mbps ng koneksiyon para sa bayad na 799 baht o P1,100 (P92 kada Mbps).

 â€œKailangan ba na­ting magbayad ng mahal para sa mabagal at kung minsan ay hindi maasa­hang internet connection? Dapat magbigay ng malinaw na paliwanag ang NTC ukol dito,” giit ng senador.

Idinagdag ng senador na kasama sa imbestigasyon ang paghahanap ng mga paraan kung paano mapapabilis ang internet connection sa bansa, na mahalaga sa paglago ng ekonomiya.

vuukle comment

ANG TRUE INTERNET

AQUINO

AYON

BAKIT

INTERNET

MBPS

PILIPINAS

SENADOR BAM AQUINO

SOUTHEAST ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with