Mabigat na traffic sa Metro Manila, sasalubong sa mga motorista
MANILA, Philippines - Mabigat na daloy ng trapiko ang inaasahang sasalubong sa mga motorista na babalik sa Metro Manila partikular na sa EDSA dahil sa hindi pa natatapos na “concrete re-blocking†ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Pinayuhan na lamang ni Metropolitan Manila DeveÂlopment Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta at huwag nang makipagsiksikan sa EDSA ngayong Lunes.
Sa mga manggagaling sa South Luzon Expressway (SLEX), inirekomenda ni Tolentino na dumaan na lamang sa C-5 o sa Osmeña Highway para hindi na makabigat sa EDSA.
Sa monitoring naman sa South Luzon Expressway (SLEX), nag-umpisa nang magsibalikan ang ilang bakasyunista nitong Sabado pa lamang ng gabi hanggang ngayong Lunes ng madaling araw.
- Latest