^

Police Metro

Misis tinodas ng ex-lover

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang misis habang kritikal ang tiyuhin nito makaraang pagbabarilin ng ex-lover ng ginang na naganap sa Rodriguez St. Barangay Kalalake, Olongapo City kahapon ng umaga.

Ang biktima na dead-on-the-spot ay kinilalang si Lourdes Arangorin, 42, residente sa nasabing lugar. Nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-7:30.

Isang bala ang tumama sa ulo na tumagos sa bibig  ng biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Nasa kritikal naman ngayon sa James Gordon Memorial Hospital si Carlito Manlapaz, tiyuhin ng biktima na may dalawang tama ng baril sa ulo at leeg.

Kinilala naman ang suspek na si Gaspar Manlapaz, 42 anyos tricycle driver residente rin nasabing barangay.

Ayon sa ina ng biktima, selos umano ang dahilan ng nangyaring krmen.

Dati umanong nagsasama ang suspek at si Lourdes ngunit dahil umano sa pananakit at sobrang selos naki­paghiwalay ang biktima na hindi matanggap ng suspek. Napagbuntunan ng galit ang tiyuhing si Carlito at pinagbintangang may relasyon umano ang dalawang biktima.

 

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

CARLITO

CARLITO MANLAPAZ

GASPAR MANLAPAZ

JAMES GORDON MEMORIAL HOSPITAL

LOURDES ARANGORIN

OLONGAPO CITY

RODRIGUEZ ST. BARANGAY KALALAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with