^

Police Metro

Courtesy call ni Pacman ngayon kay PNoy

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang magtungo ngayon araw sa Malacañang si Pambansang Kamao at Saranggani Rep. Manny Pacquiao para sa kanyang courtesy call kay Pangulong Benigno Aquino III.

Nabatid na dakong ala-1:00 ngayong hapon dadalaw si Rep. Pacquiao sa Palasyo matapos ang kanyang matagumpay na panalo laban kay Timothy Bradley Jr. at mabawi ang WBO welterweight championship belt makaraang talunin sa pamamagitan ng unanimous decision si Bradley sa Las Vegas, Nevada noong nakaraang Linggo.

Tatanggapin ni Pangulong Aquino si Pacquiao sa courtesy call nito sa Music room ng Malacañang.

Nitong Biyernes Santo lamang dumating sa bansa ang pambansang kamao at dumiretso ito sa General Santos City at Saranggani kung saan ay binigyan siya ng heroes welcome matapos ang kanyang tagumpay sa laban kay Bradley.

Isang panibagong karangalan sa bansa ang naibigay ni Pacman sa kanyang huling laban at muli nitong pinatunayan ang kanyang galing sa boksing sa ibabaw ng parisukat na lona.

Hangad ng marami na sa susunod na laban ni Manny ay sa bansa gagawin at kung maaari sana ay si Floyd Mayweather Jr., ang makakalaban.

 

vuukle comment

BRADLEY

FLOYD MAYWEATHER JR.

GENERAL SANTOS CITY

LAS VEGAS

MALACA

NITONG BIYERNES SANTO

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with