PDAF scam Gigi Reyes tetestigo -Miriam
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng paniniwala si Sen. Miriam Defensor-Santiago na kaya bumalik sa bansa ang dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile na si Atty. Jesica “Gigi†Reyes ay upang tumestigo at maging state witness kaugnay sa PrioÂrity Development Assistant Fund (PDAF) scam.
Sinabi ni Sen. Santiago, batid ni Atty. Reyes bilang abugado na puwede siyang makulong sa sandaling isampa ng Ombudsman ang kaso nitong graft at plunder sa Sandiganbayan kaugnay sa pagkakasangkot nito sa PDAF scam.
“What’s the reason why you’re coming back after eight months when you know that you will automatically be under preventive detention? You could have thought of applying as a state witness,†sabi ni Sen. Santiago.
Idinagdag pa ni Santaigo, puwedeng maging state witness si Reyes at ang importante lamang naman dito ay siya ay hindi most guilty sa kasong kinasasangkutan niya.
“The most guilty, naturally, are the senators,†paliwanag pa ni Santiago kung saan ay tinutukoy ang mga 3 senador na isinangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.
Dumating sa bansa si Reyes kamakalawa mula sa Estados Unidos.
Samantala, sinabi naman ng Malacañang na desisyon na lamang ni Justice Sec. Leila de Lima kung nararapat bang maÂging state witness si Reyes.
“Their willingness to shed light on the onÂgoing legal proceedings is vital to our people’s quest for justice,†paliwanag pa ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr.
Hiniling naman ni Sen. Santiago na magdaos ng special session upang madinig ang magiging testimonya ni Reyes kaugnay sa ginawang imbestigasyon ng Senado sa pork barrel scam.
- Latest