^

Police Metro

Nagsimula sa FB, tinapos sa kalye... binata utas sa stalker ng nobya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang saksak sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang 23-anyos na binata nang makaaway nito ang isang tibo na may gusto rin sa kanyang 15-anyos na nobya na naganap kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktima na nasawi habang dinadala sa Ospital ng Sampaloc ay kinilalang si Robert Ca­rillo, ng no. 226 Pedro Gil St., Sta.  Ana, Maynila.

Agad din naaresto ang suspek na si Annalyn Salcedo, 22, ng no. 959 Alley 2, Domingo Santiago St., Sampaloc, Maynila.

Sa salaysay ng suspek sa pulisya na nagkasundo sila ng biktima na tapusin ang kanilang love triangle sa Abril 28 sa pamamagitan ng duwelo ng patalim.

Subalit, anya hindi ma­kapaghintay ang biktima dahil Abril 15 pa lamang ay sumugod na ito sa kanyang bahay at naghamon na tapusin na ang laban para sa pinag-aagawang 15-anyos na dalagita.  

Kaya dakong alas-10:30 ng gabi ay ginanap ang kanilang pagtutuos sa Piña Avenue, Sampaloc, Maynila na kung saan ay napatay ng suspek ang biktima sa dalawang saksak sa dibdib.

Lumalabas sa imbestigasyon na nag-ugat ang  pag-aaway ng biktima at suspek nang kulitin ng huli ang dalagita na ligawan ito gayung alam na nobyo na ito ng biktima.

Ayon din sa ama ng da­lagita na bukod sa pagiging ‘stalker’ umano sa eskwelahan ng suspek ay panay din ang pangu­ngulit nito hanggang sa Facebook.

“Si Robert talaga ang boyfriend ng anak ko, sumisingit lang yan. Sa Facebook nagsimula yung pag-aaway nila,” ayon sa ama ng dalagita.

vuukle comment

ABRIL

ANNALYN SALCEDO

DOMINGO SANTIAGO ST.

MAYNILA

PEDRO GIL ST.

ROBERT CA

SA FACEBOOK

SI ROBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with