^

Police Metro

Binosohan, binidyuhan ang dalagang naliligo, arestado

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang 33-anyos na messenger matapos nitong bosohan at kunan ng video ang dalagang kapitbahay habang ito ay naliligo sa banyo kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Nabuko lamang ng 28-anyos na biktima na itinago sa pangalang Myra ang ginagawang pamboboso ng suspek na si Elmer Lapid nang kumislap ang hawak nitong cell phone matapos kuhanan  ng larawan ang naliligong dalaga.

Sa salaysay ng biktima, dakong alas-9:00 ng gabi habang siya naliligo sa loob ng banyo ng inuupahang boarding house sa Barangay Western Bicutan ng lungsod ay wala siyang kamalay-malay na kinukuhanan siya ng video mula sa cellphone ng biktima.

Nang kumislap ang cellphone ay nalaman ng dalaga na siya ay kinukunan ng suspek kaya’t siya ay agad nagbihis at kinompronta ang suspek na tumanggi sa bintang.

Kaya’t humingi na ng tulong sa mga pulis si Myra, at napilitan na si Lapid na ilabas ang kanyang cell phone na naglalaman ng video at larawan ng dalaga habang naliligo ng hubo’t hubat.  

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9995 o Anti Photo and Video Voyeurism Act.

vuukle comment

ANTI PHOTO AND VIDEO VOYEURISM ACT

BARANGAY WESTERN BICUTAN

ELMER LAPID

INARESTO

KAYA

LAPID

MYRA

NABUKO

NANG

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with