^

Police Metro

Sa naganap na karahasan sa paaralan…PNoy nakiramay sa US

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Benigno Aquino III sa bansang Amerika na ngayon ay nagluluksa dahil sa nangyaring karahasan sa Sandy Hook Elementary School Newtown sa Connecticut kung saan 27 katao ang naging biktima ng pamamaril na kinabibilangan ng nasa 20 bata kamakalawa ng gabi.

Sinabi ng Pangulo, na nais niyang ipahatid ang kaniyang pakikiramay lalo na sa pamilya ng mga biktima na nagluluksa sa pagkawala ng kanilang minamahal sa buhay.

Ayon pa sa Pangulo ipagdarasal din na hindi na maulit ang nasabing karahasan kung saan mayorya sa mga namatay ay mga batang may edad mula 6 hanggang 10 taong gulang.

“We pray for healing, and that this heartbreak will never be visited on any community ever again,” anang Pangulo. Maging si Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ay nagpahayag ng kalungkutan sa trahedyang nangyari sa Connecticut.

vuukle comment

ABIGAIL VALTE

AMERIKA

AYON

BIKTIMA

DEPUTY PRESIDENTIAL

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SANDY HOOK ELEMENTARY SCHOOL NEWTOWN

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with