Ilocos Sur niyanig ng 4.4 na lindol
MANILA, Philippines - Isang 4.4 na lindol ang nagpayanig sa karagatang sakop ng Santa Catalina, Ilocos Sur kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ganap na alas-2:40 ng madaling-araw nang maitala ang pagyanig sa nasabing lugar.
Ang sentro ng lindol ay naramdaman sa layong 38 kilometro hilagang-kanluran ng Santa Catalina. Tectonic ang origin ng lindol na may lalim ng 26 na kilometro.
Naramdaman din ang intensity 3 sa San Vicente, Cauayan, Ilocos Sur at Vigan City. Habang intensity 2 naman sa Bantay, Narvacan, Sta. Maria, Burgos, Ilocos Sur. Wala namang naiulat na sugatan o pinsala ang nabanggit na pagyanig.
- Latest